Bianca Umali, isinasapuso ang pagsasanay ng Pinoy martial arts na Laraw Kali Pamuok

Kitang-kita ang dedikasyon ni Sang'gre actress Bianca Umali na matuto ng Filipino Martial Arts na Laraw Kali Pamuok. Kasama ni Bianca sa training ang boyfriend na si Ruru Madrid , kung saan sabay silang nagsasanay sa ilalim ng Filipino martial arts expert na si Ronnie Royce Base.