'Sanggang-Dikit FR' wows viewers with star-studded guest appearances

Bukod sa maaaksyong eksena nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, labis ding pinag-usapan ang naglalakihang guest stars na napanood sa GMA Prime series na ' Sanggang-Dikit FR ' sa loob ng 100 episodes. Mula sa mga bigating aktor at aktres hanggang sa mga sikat na personalidad, tinitiyak ng Kapuso action-drama na kaabang-abang ang bawat episode dahil sa mga karagdagang karakter na kinagiliwan ng mga manonood. Naging maikli man ang kanilang paglabas, siguradong nasorpresa ang mga manonood sa kanilang chemistry na swak sa mga pangunahing tauhan ng teleserye--isang kombinasyong agad na tumatak at pumatok sa publiko kaya patuloy itong sinusubaybayan ng viewers gabi-gabi. Kilalanin sa gallery na ito ang mga artista at personalidad na nagkaroon ng guest appearance sa 'Sanggang-Dikit FR'.