Classrooms at pamamahagi ng school supplies, ilan sa pupuntahan ng malilikom sa 'Noel Bazaar' | 24 Oras

Tuwing papalapit ang pasko lalong ramdam na ramdam ang diwa ng pagmamahal at pagbibigayan. Bakit hindi isabay 'yan sa pamimili ng regalo? Maraming mura at dekalidad sa Noel Bazaar na bubuksan sa Okada, Manila na layong tumulong sa sektor ng edukasyon. Nasa 100 merchants ang naghihintay roon at puwede ring mag-feel like a star sa "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation.