Naging malaking usap-usapan ang pagkumpirma nina AJ Raval at Aljur Abrenica ng kanilang relasyon, lalo na at nadawit ang pangalan ng una sa hiwalayan ng aktor at ng dati nitong asawa na si Kapuso star Kylie Padilla . Paglilinaw ni Kylie, walang kinalaman si AJ sa naging hiwalayan nila ng dating asawa. Ngunit paano nga ba nagsimula ang relasyon nina AJ at Aljur? Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 12, binalikan ng aktres ang naging love story nila. “Nag-start po 'yan, may shooting po kami ng Nerisa, that was June 2022. And then magkapatid po kami du'n, 'yung role namin magkapatid,” pagbabahagi ni AJ. Pagpapatuloy pa niya, lagi siyang nakakatanggap noon ng mga bulaklak sa kanilang shoot nang hindi niyanalalaman kung kanino nanggaling. “Kapag po kasi nagshu-shooting, ang dala ko, box. 'Bakit laging may bulaklak sa loob?' Araw-araw, may bulaklak, hindi ko po alam saan galing. E siyempre kapag nasa province, may mga fan po na nagbibigay ng food, ganiyan, akala ko ganu'n lang po,” kuwento ni AJ. Kailan nga ba umamin si Aljur kay AJ? Alamin ang buong kwento ng love story ng dalawa sa gallery na ito: