Ngayong kapaskuhan, isang regalong higit pa sa materyal ang handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga taga-Puray, Rodriguez, Rizal. Opisyal na kasing binuksan doon ang "Kapuso Tulay Para sa Kaunlaran" na layong magdugtong sa pangarap ng mga kabataan na makapag-aral at magbigay ng mas ligtas na daan para sa buong komunidad.