What's next for Priscilla Meirelles after divorcing John Estrada?

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, February 13, kinumpirma na ni Priscilla Meirelles ang divorce nila ng dating asawa at aktor na si John Estrada. Aminado si Priscilla na hindi magiging madali ang magsimula uli matapos ang kanilang hiwalayan ngunit ang paniniwala niya, kailangan lang niya ng sipag at tiyaga. Dahil dito, nagbalik siya sa pag-aartista. “Tito Boy, I believe that it's really through perseverance, hard work, so I decided to go back to acting, decided to [get back to] some projects that I produced, like I'm producing right now a podcast called "Amigas" so I'm the one producing it, I'm hosting it as well,” sabi ni Priscilla. Ngunit paano nga ba haharapin ni Priscilla ang bagong yugto ng kaniyang buhay? Alamin sa gallery na ito: