Mapapanood na ang pinakabagong musical drama series tungkol sa pagtupad ng mga pangarap, ang 'Born to Shine' na pagbibidahan nina Zephanie, Michael Sager, at Olive May, kasama ang ilan sa mga iconic at haligi ng music at acting industry tulad nina Manilyn Reynes, Smokey Manaloto, Tina Paner, at Vina Morales. Magsisimula nang magningning ang bituing matagal nang kinukubli sa 'Born to Shine,' ngayong March 23 na, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.