Collector
Giriş Yap
Claudine Barretto on her past with Milano Sanchez: 'Whirlwind relationship' | Collector
Claudine Barretto on her past with Milano Sanchez: 'Whirlwind relationship'

Claudine Barretto on her past with Milano Sanchez: 'Whirlwind relationship'

Hindi lang katrabaho kundi kapamilya na ang turing ni Claudine Baretto sa mga naging co-stars niya sa hit sitcom noon na Home Along Da Riles , na pinagbidahan ng yumaong Pinoy Comedy King na si Dolphy. Kaya naman naging madali raw para sa kanya ang mapapayag sa reunion movie nilang Home Along Da Riles. Sa katunayan, aniya, naging katuwang pa niya ang kanyang mga kasamahan sa pelikula nang may pinagdadaanan siya sa buhay. “I was saying this nung nakita namin yung kabuan ng pelikula, na I wouldn't be able to be where I am right now or to have gone through everything na pinagdaanan ko kung wala yung pamilya ko. “Kasi mula nung nawala yung daddy ko, never naman sila nawala sa buhay ko, especially ngayon na wala na si mommy. “Isang tawag lang, every day magkausap kami, umaga pa lang, bago matulog. Hindi naman every day, pero dahil magsu-shooting na kami halos every day, nagtatanungan yung mga kapatid. May GC kami sa pamilya namin. “And hindi ko kaya lahat nung mga pinagdaanan ko kung wala yung pamilya ko.” Sa panayam matapos ang media conference nito kahapon, June 8, nabanggit ni Claudine na parang naging kapatid na ang turing niya sa anak at apo ni Dolpy na sina Vandolph at Boy 2 Quizon. “Sabi ko nga minsan nakalimutan nila na ako yung ate, si Boy2at si Vandolph. Minsan talaga pag pinagsabihan ako, na parang kala mo ako yung bunso, e,” nakangiting sabi ni Claudine. Kaya tinanong ng entertainment press: kahit ba sa love life may masasabi sila? Natatawang sagot ni Claudine: “Yes. Alam mo, sad, but true. So, kung sino man ang gustong pumasok sa buhay ko, kausapin n'yo muna yung mga 'to.” Related gallery: Claudine Barretto, kamusta ang relasyon sa kanyang pamilya? Kaugnay nito, nilinaw ni Claudine ang nauna niyang pahayag na marami siyang manliligaw. “No, ano lang, tama lang, sakto lang. I mean, siguro na yun compared to before, kasi dati lagi ako na, I was always in a relationship,” pahayag niya. Dagdag pa niya, “Yes, I'm open naman to entertaining suitors. Pero siguro, talaga kung darating, darating. Kung hindi, ayoko nang pilitin.” Nabanggit din niya na bagamat nag-e-entertain siya ngayon ng mga manliligaw, wala raw sa love life ang focus niya ngayon. Aniya, “Siguro, ang focus ko talaga is yung mga ginagawa ko like this movie, and yung mga project na gagawin ko pa.” Isa pang nilinaw ni Claudine ay ang usap-usapang nagkabalikan sila ni Milano Sanchez . “No, no, that's not true. We're friends, we're friends,” diin ng aktres. Sa katunayan, aniya, “Alam mo, in all fairness naman sa kanya, I don't think that's counted, yung one month. “I mean, it was really a whirlwind relationship. It was a whirlwind friendship talaga, siguro. And I think we're really talagang... No, I know, I believe that we're really hitting it off as friends talaga.” Dagdag pa niya sa huli: “Hindi pa yun yung tamang panahon pala talaga, siguro. And it's not... Ang layo ng mundo niya sa mundo ko. Mahirap, mahirap talaga. You have to be prepared talaga kapag papasok yung isang relationship. And siguro, ako rin, ang takeaway ko diyan, when you're vulnerable, don't fall in love.” Kilalanin si Milano Sanchez dito:

Go to News Site