Collector
Giriş Yap
Bunny Paras, ipinakilala ang apo niya kay Moira: 'She's here' | Collector
Bunny Paras, ipinakilala ang apo niya kay Moira: 'She's here'

Bunny Paras, ipinakilala ang apo niya kay Moira: 'She's here'

Nanganak na sa kanyang first baby si Moira , ang anak ng former That's Entertainment star na si Bunny Paras . Ang good news ay ibinahagi mismo ni Bunny sa pamamagitan ng isang video na inupload niya online, kung saan mapapanood na hawak niya ang kamay ng kanyang apo na isang baby girl. Hindi maikakaila ang labis na saya ng aktres na na-meet na niya ang kanyang apo kay Moira. Sulat niya sa caption, “She's here. Thank you Lord and Thank you for all your prayers for Moira and Nick, and their little baby.” View this post on Instagram A post shared by Saira Bunny Paras - Greenway (@sairabunnyparas) Bago pa ito, una nang nag-post si Bunny ng ilang photos niya kasama si Moira at ang asawa nito na si Nick Asbury habang sila ay nasa ospital at hinihintay ang paglabas ng baby. View this post on Instagram A post shared by Saira Bunny Paras - Greenway (@sairabunnyparas) Ikinasal sina Moira at Nick noong 2024. Related gallery: Moira Greenway and Nicholas Asbury's beautiful wedding Matatandaang minsan nang inilahad ni Bunny sa Fast Talk with Boy Abunda interview na mayroong rare disorder ang anak niyang si Moira na ang tawag ay Friedreich's Ataxia. Samantala, ang biological father ni Moira ay ang DJ at former TV personality na si Mohan Gumatay na mas kilala sa showbiz bilang si Mo Twister. Si Bunny Paras ay kilala rin bilang kapatid ng isa pang aktres na si Sharmaine Arnaiz. Samantala, tingnan ang ilang mga celebrity lola na masayang kasama ang kanilang mga apo:

Go to News Site