Collector
Giriş Yap
Klea Pineda: 'Si Janella sa buhay ko, tahanan' | Collector
Klea Pineda: 'Si Janella sa buhay ko, tahanan'

Klea Pineda: 'Si Janella sa buhay ko, tahanan'

Nagbigay-linaw na sina Klea Pineda at Janella Salvador tungkol sa kung sino nga ba sila sa buhay ng isa't isa. Inilahad nila ito sa pagbisita nila, kasama ang Open Endings co-stars na sina Jamine Curtis-Smith at Leanne Mamonong, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 10. Sa kanilang kuwentuhan, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang quote mula kay Janella na “I love who I love.” Paliwanag ng aktres sa ibig sabihin nito, “That exact same thing, I love who I love. I mean, love doesn't have to be defined by anything. You just feel it, you just know.” Pinansin din ng batikang host ang ilang pagkakataon na nakitang magkasama sina Janella at Klea, at tinanong ang Kapuso star kung sino nga ba ang co-star sa buhay niya ngayon. Sabi ni Klea, “Si Janella sa buhay ko, yun nga, yung sinabi ko kanina, tahanan, home. Nakakalma niya 'yung lahat ng ingay sa isip ko, yun siya. Yun siya sa akin.” Nang itanong naman ito ni Boy kay Janella, ang sagot ng aktres, “Sino si Klea sa buhay ko? My favorite gay and hopefully, someone who will stay.” Related gallery: Klea Pineda and Janella Salvador spend New Year's Eve together Masasabi naman ni Klea na nandito lang sila ni Janella para sa isa't isa, at inaming marami siyang natutuhan tungkol sa isang relasyon kasama ang aktres. Para naman kay Janella, nasa punto na sila ng kanilang buhay na mature na sila para gamitin ang mga leksyon na natutunan nila tungkol sa pag-ibig. Matatandaan na unang nagkaroon ng mga haka-haka ang netizens na merong namumuong relasyon sa pagitan nina Janella at Klea noong 2025. Sa katunayan, may ilan pa nga ang naka-isip na baka ang Kapamilya aktres ang dahilan ng hiwalayan nina Klea at dating girlfriend na si Katrice Kierulf . Lalong tumindi ang mga haka-haka nang madalas silang makita na magkasama pagkatapos magkatrabaho sa kanilang pelikula. Ngunit sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras noong September 2025, itinanggi ng dalawa ang pagkakasangkot ni Janella sa hiwalayan nina Klea at Katrice. “Kung ano nakikita n'yo online o kahit saan, 'yun na 'yun. Basta masaya kami together,” sabi ni Klea. Tingnan ang sweetest photos nina Klea at Janella rito:

Go to News Site