GMA Network
Sinagot at binigyang-linaw na ng content creator na si Gavin “Ser Geybin” Capinpin ang mga lumabas na haka-haka tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa kalagitnaan ng breakup at cheating rumors sa pagitan ng kanyang girlfriend na si Elma Asagra, in-upload nila nitong weekend ang isang vlog na may title na “Bangon.” Sa pagbabalik ni Ser Geybin sa pagba-vlog, nagbigay siya ng update tungkol sa totoong status ng relationship nila ni Elma. Ayon sa kanya, hindi totoo ang kumakalat online na hiwalay na sila at mayroong cheating na nangyari. Sabi niya, “Guys, hindi po kami naghiwalay. Maraming nadadamay, nakakahiya. Tropa po 'yun. Tropa po namin ang mga 'yun. Alam po ni Elma 'yun.” Mapapanood sa vlog ang unang beses niya ulit na paglabas ng bahay mula noong naisugod siya sa ospital matapos mahirapan sa paghinga na posibleng dahil sa stress at halo-halong mga iniisip. Ibinahagi nila sa vlog ang simple date nila ni Elma at binigyang-linaw din ang iba pang negative comments na natanggap nila kasabay ng pansamantalang pagpapahinga sa vlogging. Isa si Ser Geybin sa most-followed Filipino content creators ngayon sa bansa. Siya ang leader ng Team Capinpin na sinusubaybayan ngayon ng milyon-milyong netizens sa mundo ng vlogging. Siya ay dating school teacher at panganay sa tatlong magkakapatid na kilala bilang Capinpin Brothers . Samantala, balikan ang ilang celebrity couples na nagkaproblema sa kanilang relasyon dahil umano sa third party.
Go to News Site