GMA Network
Mas bumubuti na umano ngayon ang relasyon ng dating Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno . Sa katunayan, madalas din silang nagkikita para sa special occasions ng anak na si Skye , ayon sa aktres. Bagamat mas nag-uusap na ngayon, inamin ni Max sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 7, na may mga bagay silang hindi na pinag-uusapan. Isa rito ang tungkol sa kani-kanilang bagong relasyon. Ayon sa aktres, respeto na nila ito sa isa't isa at sa kanilang anak. “I think after a while, I mean, we're not there yet,” sabi ni Max. Alamin kung ano na nga ba ang relationship dynamics ngayon nina Max at Pancho sa gallery na ito:
Go to News Site