GMA Network
Ngayong May ay sasabak na si Kapuso star Miguel Tanfelix sa kauna-unahang hosting project niya, ang Planet XP. At dahil nga ito ang pinakaunang pagkakataon ng aktor na maging isang host, sinigurado niyang handa siyang gawin ito. LINK: Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 23, inamin ni Miguel na na-excite siya ngunit sinabing may pressure din siyang naramadaman para sa bago niyang proyekto. “Paano ako as a host, baka bulol-bulol ako, baka hindi ko ma-deliver ng maayos,” sabi ni Miguel. Kaya naman, puspusan ang paghahanda na ginawa ni Miguel na ibinahagi niya sa gallery na ito:
Go to News Site