GMA Network
Noong March 2025, tinagurian si Kamao star Bruce Roeland bilang pinakabatang Bench Body model--isang pagkakataon na hindi raw malilimutan ng binatang aktor. Gaya ni Bruce, naging underwear model-endorser din ng parehong brand ang co-star niyang si Wendell Ramos . Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 28, inamin ni Wendell na naging fan siya ni Bruce nang rumampa siya sa "Body of Work" fashion show noong March 21, 2025. “I messaged you [Bruce], sabi ko, ang galing niyang rumampa. Meron siyang nakangiti... It's very important for me. Hindi ko naman sinasabi pong mali 'yung mga nangyayari, pero para po sa 'kin, siguro experience na rin natin dati sa mga Bench shows and 'yung mga crowd, and depende rin talaga sa crowd. And sa nakita ko kay Bruce, every time na ginagawa niya, ang galing,” sabi ni Wendell. Bilang hunks, paano nga ba nila napapanatili ang kanilang magandang pangangatawan, at iba pang sikreto sa pagmomodelo? Alamin sa gallery na ito:
Go to News Site