Sheryl Cruz, suportado ba ang pagpasok ng anak na si Nicole Sonora sa showbiz?
GMA Network

Sheryl Cruz, suportado ba ang pagpasok ng anak na si Nicole Sonora sa showbiz?

Susundan na ng anak ni Sheryl Cruz na si Nicole Sonora ang mga yapak ng ina, tiyahin, at ng iba pang miyembro ng Pamilyang Cruz dahil papasok na ito sa showbiz industry. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 25, ibinahagi ni Nicole na grade school pa lang nang malaman niyang sikat ang kaniyang ina at ang kanilang pamilya. “Grade school po, elementary school po nu'ng bumibili ako sa canteen, 'yung nagbebenta po ng french fries, bibigyan niya ako ng discount dahil anak daw ako ni Sheryl Cruz,” sabi ni Nicole. Dahil dito, nagkaroon siya ng interes na pasukin ang industriya. Ngunit ang tanong, suportado ba ito ni Sheryl, ang kaniyang ina? Alamin sa gallery na ito:

Go to News Site