
Geneva Cruz at Rachel Alejandro, naging best friends dahil sa heartbreak
Isa sa mga kilalang celebrity friendship ay ang pagkakaibigan nina Geneva Cruz at Rachel Alejandro . Ngunit hindi gaya ng maraming pagkakaibigan na nagsimula sa masayang pangyayari, ang sa kanila ay sa heartbreak nagsimula. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 16, ibinahagi nina Geneva at Rachel na masaya ang dynasmics nila kapag magkasamang nagpe-perform. “We're always making fun of each other, especially when we're doing spiels sa mga concerts, we give each other a hard time and we're like just laughing at each other,” sabi ni Rachel. Ayon naman kay Geneva, masyado na nilang kilala ang isa't isa kaya marami rin silang kalokohan. Kaya naman, hiningi ni King of Talk Boy Abunda ang kuwento kung papaano nagsimula ang pagkakaibigan nina Geneva at Rachel at ang first impressions nila sa isa't isa. Alamin ang kuwento ng pagkakaibigan nina Geneva at Rachel sa gallery na ito: